Wednesday, September 30, 2009

Kapareho ng Interes

Dahil sa last kong post napahanap tuloy ako ng ibang kanta at nahanap ko ang video na nasa itaas. Sa video kasi na yan, ang mga kumakanta ay hindi ang original singers ng “Butterfly” kundi magkakabarkada lang siguro (halata naman sa pagkaka-record, ang dami nila).

Sa mga kaibigan ko ako lang pinakamahilig sa anime. Gusto nila ng anime pero not to the point na kakanta sila ng OSTs ng mga ito. Ako kasi kinakanta ko pati mga OSTs dala ng kaadikan ko dito. Hindi ko naman kinakanta ang mga J-Pop dahil sa anime fan lang ako, gusto ko talaga ang mga kanta nila kahit di ko naiintindihan sa umpisa (hahanap ng translation).

Medyo nakakalungkot lang kasi, wala naman akong kaibigan na kapareho ko ng interes para maka-jamming kagaya ng mga adik na kumakanta sa video na yan. Naiisip ko tuloy na ang sarap ng pakiramdam kapag meron kang ka-close na kapareho mo ng interes. Habang pinapanood ko nga ang video na yan ay kinikilabutan ako, para kasing nararamdaman ko kahit papaano ang saya ng pagsasamahan nila. Haaayyy!! (lonely-mode)

No comments:

Post a Comment